
May mga ala-alang nagbabalik hindi para masaktan ka, kundi para malaman mo, na kahit paano, naging masaya ka at nabuo ang mundo mo dahil dito.
Napakasayang pagmasdan ang pagsikat ng araw lalo na't kasama mo ang taong mahal mo. Yun bang, kahit na alam mong aalis na siya't magkakahiwalay kayo, parang nabibigyan ng pag-asa ang lahat. Pero sa kabila ng lahat, sa pagtitig lang sa mapulang sikat ng araw sa bukang liwayway sa tabing dagat na iyon, parang maayos lang ang lahat, walang problema. Minsan gusto mong tumigil ang oras para lang humaba ang panahon na kayo'y magkasama. Wala ka namang ibang magagawa kundi ang humiling na lang sa langit na sana tumigil ang oras. Gawin ang bawat sandaling isang hindi nakakalimutang ala-ala.
Ito na marahil ang pinaka-BITTER-SWEET na nangyari sa aking buhay. Ang piliting maramdaman ang munting kasiyahan sa kabila ng kalungkutang aking pinagdaraanan. Kitang-kita ko rin naman sa mga mata niya ang kalungkutan at hindi ko alam kung magagalit ako kasi hindi ko alam kung pano siya mapapasaya sa mga sandaling iyon, o nasaaktan ako kasi wala akong magawa kundi manatili na lang sa tabi niya? Hindi ko lang talaga alam kung ano pa ang aking gagawin, sasabihin, at pupuntahan sa mga sandaling iyon. Ang sakit pala. At yung feeling na kahit masakit, naging masaya ako kasi alam ko anjan siya sa tabi ko. Hindi man kami nag-uusap, pero ramdam ko na may sinasabi ang aming mga puso sa kabila ng katahimikan naming dalawa. Magkahawak kamay sa may dalampasigan, naglalakad, nakangiti, isang pagkakataong lagi sa aking isipan. Ilan taon na rin ang nakalipas. 2005, at naalala ko na naman ang mga bagay na ito ngayong September 26, 2011.
Naging kami ni Krizzia, September 27, 2004. First crush, first love, first girlfriend! first kiss? haha. uu nagtatanong ako. tsk. Ako na yata ang pinakamasayang tao sa mundo sa mga panahon na yun. Sino ba ang mag-aakalang magiging girlfriend ko ang isang taong pinapangarap ko lang nung una. At sa pagdating ng araw, magkakatotoo pala ang mga pangarap na yun. LONG DISTANCE RELATIONSHIP. Ang hirap pala nun? pero hindi ko naman masyadong naramdaman kasi nga, mahal ko yung tao. Walang paghihirap kung may pagmamahal, kung meron man, ito'y minamahal. Yan lagi ang sinasabi ko sa sarili.
Siyempre nasa Seminario ako nun, hindi ko naman talaga maibibigay ang lahat ng oras at panahon sa kanya, kasi may mga bawal dun, wala akong magagawa kung go with the flow na lang sa mga panahong iyon. Alam mo yung feeling na gusto mo siyang makita pero wala kang magawa? Walang ibang magawa kundi tumitig sa picture niyang bigay sa'kin. Nakasuot siya ng pulang t-shirt at jeans. May bracelet na brown made of cut small cylindrical wood na nakalagay sa kanang kamay niya. Backgroung nito ay ang bahay pamahalaaan ng Dolres E. Samar. Kinuha nag larawan na 'yun sa tingin ko nung press-conference dun. Hanggang sa naghiwalay kami nung June 21, 2005, ang picture na ito ay nasa akin hanggang sa ako ay nagtapos ng high school. Hindi binitawan ang mga ala-ala makalipas man ang ilang taon. Pero sa Kabila ng lahat, i let go. uu, as in wala ma. weh? haha.
Sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko, ang pagkakataong iyon ang hindi ko makalimutan. Uu, marami talagang nangyari sa'min. Kagaya nung nasa pantalan kami nanood ng Full Moon. As in ang ganda. Second full moon of the month. Alam mo yun? Pero yun nga, dun lang tayo sa tabing dagat. hehe. Yung mga panahon na nasa tabing dagat kami, ramdam ko kung ano ang feeling ng mawawala ang isang taong mahal mo at wala kang magawa kasi alam mo kailangan. Sa totoo lang, nung una nasaaktan ako nung naaalala ko ang mga sandali na yun. Hindi ko alam kung bakit. Pero sa paglipas ng mga araw, unti-unti ko ring naintindiihan ang lahat ng mga bagay. Dapat pala akong maging masaya. At masaya naman ako ngayon. :D kasi nga, "may mga ala-alang nagbabalik hindi para masaktan ka, kundi para malaman mo na kahit paano, naging masaya ka at nabuo ang mundo mo dahil dito."