Wednesday, February 13, 2013

My Valentines Day XD

Bago ang lahat ay nais ko munang magpasalamat.
Magpasalamat na kahit hindi man ako sa iyo ang nararapat
Ay binigyan parin ng pagkakataon at ag-ibig na tapat.

Marami na ring araw ang nagdaan
Na kung saan ang mga buhay natin ay nabigyan ng kahulugan
Dahil sa mga bagay na sa isa't-isa'y ating natutunan.

Away bati man tayo kung minsan,
Pero mas binigyang pansin ang ating pagmamahalan.
Umabot tayo dito at sana ay umabot pa nang magpakailan man.

Salamat sa oras at panahon na iyong inilaan para sa akin
Na kahit marami man ang iyong ginagawa ay may oras pa rin.
Wala mang bakanteng oras sa mga panahong dumaan,
Ito parin ay nabibigyan ng paraan.

Salamat sa kuwentuhang kay tagal na halos ito ang nagpapatulog sa gabi.
Makausap lang kita ay parang ikaw na ay nasa aking tabi.
Salamat sa mga payo mo sa akin na pilit kong sinusunod.
Ito ay gagawin hanggang manghina ang aking tuhod.

Nagagalit ka man kung minsan, sa akin ay ayos lang.
Ayos lang na sa akin mo ilabas ang iong sama ng loob.
Masaya naman ako pagnakikita kitang nakangiti katapos ng lahat.

Kung ako man ang dahilan sa mga pagkakataong ikaw ay nagagalit
Ipagpatawad mo sana, alam ko kung gaano ito sa iyo kasakit.
Hindi man kita nasusunod kung minsan,
Hindi na “hindi kita mahal” ang s’yang dahilan.
Mahal kita, at ayaw kitang masaktan.

Gusto ko lang na makahinga ng maluwang
Na sa darating na mga araw sa buhay natin
Ay wala kung pagod na haharapin
Para sa pagmamahalan at kabutihan natin.

Salamat sa mumunting ligaya na pinagsaluhan nating dalawa.
Kung ako man ay nag-iisa at nalulumbay ito ang sa akin ang nagbibigay pag-asa.

Salamat sa iyong larawan na sa bawat gabi ay aking pinagmamasdan.
Napapawi lahat ng aking kalungkutan, pananabik at pagod na nararamdaman.
Pag ang iyong mukha ay aking nasilayan,
Lahat ng dinaraanang problema ay napapalitan ng kaligayahan.

Salamat sa iyong pagmamahal na tapat at magpakailan man.
Hindi man nararamdaman kung minsan,
Hanapin lang sa puso at ito ay naririyan.
Dahil lang sa ating kapaguran na minsan ay hindi maalala ng ating isipan.

Marie, baby ko, hayaan mo sana na mahalin kita ng tapat,
Gawin lahat sa mundo kahit alam ko ay hindi sapat.
Sa tanang aking buhay ay sa iyo ko lang ibibigay,
Na kahit umabot pa ako sa aking pagkahimlay.

Sana sa mga araw na darating sa buhay natin,
Kabutihang dulot ng ating pagsasama ay pahalagahan parin.
Sa mga kamalian ay matutuanan sana natin,
Na hindi lahat ng bagay ay naaayon sa gusto natin.

May mga bagay na dapat lang natin hayaan kung ano man ito,
Para hindi na tayo pa umabot sa ano mang gulo.

Marie, pangako sa iyo, hinding-hindi ako magbabago.
Abutin man ako ng sampo-sampo,
Pagmamahal ko'y sayo lamang at hinding-hindi magpapaalam.

Mahal kita!!! Ikaw lamang. . .
HAPPY VALENTINE'S DAY MY BABY! ™