Monday, September 28, 2009

KAHIT SAGLIT

Kung nais mo akong mahalin
Ipaalam mo na sa akin
Ang matamis at malambing na damdamin
Ang pagsintang nakalutang sa hangin

Mahalin mo ako hanggat ako’y nabubuhay
H’wag nang maghintay na ako ay mamatay
Iukit mo sa isang ginintuang bagay
Ang mga matamis na salitang nagbibigay kulay

Kung nais mong ipadama ang iyong pagsinta
Ngayon ay ipadama mo na sana
H’wag nang maghintay hangga’t ako’y tulog na
At kalian ma’y di na gigising pa

Sa pagitan natin nakabalot ang pagka bahala
Sa tabi ko’y narito ka at ‘di madama
Kung mahal mo ako kahit saglit
Habang ako’y buhay ipaalam ng pilit

No comments:

Post a Comment