mula pagkabata, si tatay, lagi s'yang wala sa bahay, lumalabas sa gabi, sa ikalawang araw na umuuwi. hindi ko alam kung bakit, hindi naman ako sinabihan ng aking nanay. akala ko tuloy meron silang tampuhan. hindi rin sya minsan nagpapaalam kung umaalis. kung umuwi naman ay laging natutulog. hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya na tila pagod na pagod s'ya parati.
mula pagkabata, si tatay, lagi niya akong pinapagalitan. hindi ko naman alam minsan ang aking kasalanan. pinapalo, binubogbog, sinisipa. minsan, nagtatanong ako sa aking sarili kung may mali ba akong nagawa. kaya mula noon, natatakot akong makita s'ya. naisipan ko naring hindi magpakita sa kanya, umiwas. pero sa iisa lang ang aming bahay, at ako ay nakatira sa bahay n'ya, hindi ko namang maiwasan na s'ya ay mapansin.
mula pagkabata, si tatay, hindi ko maintindihan lahat ng kanyang mga ginagawa. hindi naman n'ya ipinapa-intindi. magtanong man ako, pinapagalitan pa minsan. wala rin magawa si nanay. ewan ko ba kung bakit s'ya ang nagustuhan ni nanay. hindi ako makatingin sa kanya paminsan ng diritsahan. kasi takot ako na baka mapagalitan na naman ako na walang ginagawang kasalanan. ewan, hindi ko s'ya maintindihan.
mula pagkabata, si tatay, puro nalang trabaho ang inaatupag. lahat ng klaseng trabaho ta sideline, nakita ko na ginagawa n'ya. minsan nagtanong na rin ako kung bakit hindi s'ya makuntinto sa iisang trabaho lamang. para naman, kahit pano, magkaroon s'ya ng panahon para sa aming pamilya.
mula pagkabata, si tatay, lagi nalang akong ang nakikita, sa mga utos - ako, as mgatrabaho - ako, halos lahat ako. nariyan naman ang mga kapatid ko. bakit hindi nalang sila kung ako nama'y may ginagawa pa. minsan nga, pinalayas ako ng bahay dahil lang na may inutos s'ya sa akin na hindi ko nagawa agad. pano naman kasi, inutusan ako ni nanay, at si nanay ang naunag umutos sa akin ng isang gawaing bahay kaya hindi ko nagawa agad ang ipnag-utos n'ya. at dahil dun, nagalit s'ya. pinalayas ako! to the rescue naman si nanay. salamat naman!
mula pagkabata, si tatay, ni minsan hindi ko naranasan na ako ay turoan sa aking pag-aaral. hindi rin kinumusta kung ano na mga grades ko. basta nagbibigay s'ya ng pangpa-aral sa akin, sa kanya ay okay na. kaya ito, nahihirapan sa pag-aaral sa kursong hindi ko naman ginusto. bahala na.
mula pagkabata, si tatay, hindi ko narinig sa kanya na mahal n'ya ako. kahit paulit-ulit ko pa mang sabihin sa kanya ang katagang, "tatay, i love you!" yun bang, wala lang. deadma. pano ko malalaman na sa kanyang ginagawa at ipinapakita, ay pagmamahal na? mahal n'ya ba ako nung sinuntok at sinipa nya ako? wala akong magawa. tatay ko e. pero sa kabila ng lahat, ito pa rin ako, buhay. salamat naman.
mula pagkabata, si tatay, kung ako ma'y umuwi galing sa skwela, hindi man lamang ako kinumusta. pag-uwi galing tacloban, trabaho agad ang bukambibig n'ya. ewan, parang ngayon ako ay nasasanay nalang. kaya nga minsan, hindi nalang ako umuuwi sa can-avid para lang hindi makita si tatay. gusto namang gawin ang mga bagay na dapat ginagawa na ng isang lalakeng katulad ko sa edad na ito.
nung summer, April 2010. . .lahat ay nagbago. . .
napag-isip-isip ko, nung mga araw na hindi s'ya umuuwi sa bahay, nung mga araw sa wala s'ya sa bahay kasama namin, mga araw na ginugol n'ya sa trabaho na halos wala nang oras para sa amin, ang mga araw na yun, ay dapat ko palang ipagpasalamat! kung hindi niya ginawa yun, wala na kami ngayon. yun lang paala ang isang bagay na dapat gawin talaga ng tatay. mga bagay na kung saan ay pinag kukunan namin ng ikabubuhay.
napag-isip-isip ko, nung mga araw na lagi n'ya akong pinapalo, binubogbog at sinisipa, ang mga araw na yun, ay dapat ko ring iapag pasalamat! kung hindi n'ya ginawa yun, hindi ko makikita kung ano ako ngayon. sa mga pagdidisiplina n'yang parang hindi makatao kung minsan, yun pala, para mas madali kung maintindihan ang kahalagahan ng mga bagay sa buhay. yun bang, parang inihahanda n'ya ako sa buhay ng isang ganap na lalake, isang tao.
napag-isip-isp ko, maswerte p pala ako. sa mga utos na sobra-sobra, sa mga bagay hindi ko ginusto, sa mga bagay na kung saan ako ay nagalit sa kanya paminsan, ay ang mga bagay rin pala na s'yang magiging dahilan ng aming pagkakasundo, pagkakaisa. dito ko naramdaman kung gaano n'ya ako kamahal. hindi man n'ya nasabi ng harapan, yun pala, ay nasabi na n'ya sa mga simpleng bagay na ginawa nya noon, sa akin, sa pamilya namin. mas minabuti pa nyang gawin na lang kung ano ang magagawa n'ya.
minsan naisip ko, na sa aking pag-aaral, kaya pala hindi n'ya ako tinuturoan, ay nakita kong kaya ko naman pala. at sa mga bagay na hindi ko kaya, ay nariyan naman s'ya. parang nariyan lang sya naka-alalay at nagbabantay kung sakaling hindi ko na kaya.
tatay. . .kahit kakaiba ka man ang iyong paraan sa buhay, na kung minsan ay hindi ko maintindihan sa noon at kahit pa man sa ngayon, ay nagpapasalamat ako dahil ni minsan ay hindi mo kami pinabayaan. hindi naghirap ang ating pamilya dahil sa'yo. saludo talaga ako sa'yo tatay. wala akong masabi, hindi ko maisip kung kaya kong gawin ang mga nagawa mo sa'min. napaka-laking bagay. . .at salamat, na kakaiba man ang pagturo mo saking kung papano ko haharapin ang sarili kong buhay, kung papano ko gagawin ang mga nagawa mo, ay nagpapasalamat pa rin ako. dahil dito, ako ay natuto. natuto ng maraming bagay sa buhay. . .mahirap, maganda, at iba pa. salamat! mali ang pagkaintindi ko sa mga pamamaraan mo sa buhay, pero ngayon, sa tulong ng mga bagay na ginawa mo sa'kin, ay unti-unti ko nang nauunawaan. wala akong masabi. . .kundi salamat!!! tatay, you're the best! love you!
No comments:
Post a Comment